“Mga mapagkunware sa bilog daw na mundo”

Pinaka-paborito kong parte ng araw ay kapag kumakagat na ang kadiliman at halos nabibingi na ako sa katahimikan ng kapaligiran. Pakiramdam ko mag-isa lang ako sa mundo na kahit anong gawin ko, ayos lang kasi walang tatawa, walang magdidikta kung mali o tama, walang mangingialam at higit sa lahat, walang manghuhusga. Kapag sumasapit ang gano’ng oras, parang gusto kong ihinto ‘yung orasan. Ayoko ng matapos ‘yung mga sandaling ‘yon na pakiramdam ko, akin ‘yung mundo. Na walang makakapigil sa kahit anong nais kong gawin. Kahit sumigaw ako ng sobrang lakas, wala akong maiistorbo. Walang magagalit sa’kin. Kahit tumawa ako mag-isa, walang mag-iisip na nababaliw na ako. Kapag umiyak ako ng halos wala ng tigil, walang mag-iisip na mapaghanap ako ng atensyon at simpatya. Na kahit sumbatan ko pa lahat ng taong nakapanakit sa akin, walang mag-iisip na masama akong tao at walang magsasalita sa likuran ko at magbabato ng masasakit na paratang animo eh perpekto ang buong pagkatao.

Ang sarap sarap siguro mamuhay mag-isa. Sa mundong walang nakatingin sa’yo. Walang nagmamatyag sa bawat paghakbang ng mga paa mo. Ngunit sa muling pagsikat ng bukang-liwayway na hindi ko kailanman mapipigilan, ramdam ko nanaman ‘yung kaba sa dibdib ko na may isang buong araw akong kailangang haraping muli. Parang isang malaking pagsubok sa pagkatao ko ang gumising sa umaga at lumabas at makihalubilo sa mga tao. Sa tuwing maglalakad ako sa daan, hindi ko maiwasang pansinin ang bawat tao. Kung paano pinagtatawanan ang isang taong nadapa. Kung paano tignan at pag-isipan ng masama ang taong may buhay na maginhawa. Kung paano pandirihan ang mga taong marungis. Hindi ko maiwasang magalit. Mainis. Wala akong ibang alam kundi ‘yun ay ayaw ko sa lugar na ito. Kahit maluwang ang daan, pakiramdam ko maraming taong nagsisiksikan sa paligid ko. Pakiramdam ko ay napakaliit ng mundong ginagalawan ko.

Ang tingin ko sa mundong ito ay parang teatro, bawat paggalaw ng labi at pagkumpas ng kamay mo ay bantay-sarado. Madaya ang mundong kinatatapakan ko. Kapag hindi ka marikit sa kanilang paningin, hindi ka na katanggap-tanggap pa. Kapag hindi ka nakatataas, wala kang puwang para manirahan dito. Gawin mo man ang bagay na gusto nila, sa huli, ikaw pa rin ang tampulan ng ngitngit. Pinakahihintay ko na lamang ay ‘yung araw na sa pagmulat ng mata ko, hindi na ang mga taong banidoso ang makikita ko. Hindi na ang malupit na mundong ito ang gagalawan ko. Gusto kong gumising isang araw na isang payapang paraiso ang masisilayan ng mga mata ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s